Composite sketch ng suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin, inalabas

FB Photo: Jei Lumanog

Inalabas ng pulisya ng composite sketch ng gunman sa pagpatay ng businessman na si Dominic Sytin sa Subic.

Ayon kay PRO3 Chief Police C/Supt. Joel Coronel, base sa CCTV ay mag-isa lang ang gunman.

Pero aniya, malaki ang posibilidad na mas maraming tao ang sangkot sa pagpatay kay Sytin.

Dagdag pa ng opsiyal, wala pang offcial announcement kung maglalabas ng reward money pero may mga suggestions na para dito.

Ayon kay Coronel, magpapatuloy ang PNP sa pag-iimbestiga kaugnay ng kaso.

Napatay si Sytin noong Miyerkules sa Lighthouse Marina Resort sa Subic Bay Freeport.

Dead on the spot si Sytin habang ang kanyang security aide ay sugatan.

 

Read more...