8 dayuhan, 24 na Pinoy na sangkot sa transnational crime, arestado sa isang gusali sa Ortigas

NCRPO Photos

Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office-Regional Operations Unit (NCRPO-RSOU), Pasig City Police Station, EPD, Anti-Cyber Crime Group (ACG), Internet Fraud Watchdog (IFW) at United States Homeland Security ang walong mga dayuhan at 24 na mga Pinoy na pinaniniwalaang sangkot sa transnational crime.

Bitbit ang dalawang search warrant, pinasok ng mga otoridad ang tanggapan ng Wolmington Capital Advisers sa Room 2414 Medical Building, San Miguel Avenue, Ortigas, Pasig City sa mga kasong paglabag sa Section 26 ng RA 8799 o The Securities and Regulation Code in relation to Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nag-ugat ang pagsalakay sa reklamo ng isang Ken Gamble na executive chairman ng IFW Global Investigation na naka-base sa Australia na humiling na maimbestigahan ang pagkakasangkot sa transnational crime ni Owen Lloyd Sterling at kaniyang mga kasabwat.

Ang operasyon ng grupo ni Sterling ay tinatawag na “Boiler Room Operation” kung saan maraming investors ang hinihikayat na maglagak ng pera sa isang investment scam.

Kabilang sa naaresto ang mga sumusunod na dayuhan:

1.Nathan Sterling, male, 40 years old, British National, native ng England,
2.Joseph Christophe, male, 50 years old, British National, native ng England
3.Robert Endrazak, male, 46 years old, American National, native ng New York City
4.Michael Asante, male, 38 years old, isang Ghanaian National
5. Paul Carnay, male, 63 years old, American National, mula Massachusetts
6.Craig Walt, 59 years old, Canadian National
7.Matthew Lyon, male, 54 years old, American National
8. Shane Jenkins, 43 years old, male, British National

Habang ang mga Pinoy na naaresto ay kinilalang sina:
1.Filrose Magtulis, female, 20 years, residente ng Muntinlupa City
2.Mariclene Joyce Peramo, 28 years ng Mandaluyong City
3.Athea Danica, 32 years old ng Mandaluyong City
4.Ma. Irene Malte, 40 years old ng Caloocan City
5.Daisy Rivera, 31 years old ng Mandaluyong City
6.Jonna Inocentes, 28 years ng Rodriguez, Rizal
7.Danica Anselmo, 40 years old ng Tondo Manila
8.Edralin Cruz, 26 years old ng Mandaluyong City
9.Marie Jane Medina, 38 years old ng Pasig City
10.Jessica Manota, 24 years old ng Valenzuela City
11.Marilex Ann Seville, 25 years old ng Quiapo, Manila
12.Michelle Santiago, 34 years old ng Mandaluyong City
13.Ronalyn Romero, 27 years old ng Taytay, Rizal
14.Anna Clarissa Luna, 24 years old ng Pasig City
15.Basma Laurente, 27 years old ng Old Sta. Mesa, Manila
16.Roxanne Myr Pedragoza, 28 years old, ng Antipolo City
17.Kizziah Saenz, 25 years old, ng Mandaluyong City
18.Roselle Sendin, 27 years old, ng Makati City
19.Emelyn Atenta, 39 years old ng Quezon City
20.Mariane Belle Jusay, 21 years old ng Mandaluyong City
21.Rubylyn Gomez, 30 years old, ng Mandaluyong City
22.Gemma Bautista, 29 years old, Mandaluyong City
23.Maria Virginia Rosales, 23 years old, Sta. Ana, Manila
24.Susan Ortiz, 56 years old, Sta. Mesa

Nakumpiska sa mga suspek ang mga telepono, calculator, index card kung saan nakasulat ang impormasyon ng mga nabiktima, mga laptop, mga desktop computers, flash drives, hard drive at mga personal na gamit ng mga suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa The Securities and Regulation Code by, with and through the use of Information and Communication Technology (ICT) na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pinaghahanap naman ng mga otoridad ang itinuturong lider ng grupo na si Owen Lloyd Sterling.

Read more...