3,200 na mga pulis ipinakalat ngayong Bonifacio Day

Aabot sa 3,200 na mga pulis ang itinalaga sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayong ginugunita ang Bonifacio Day.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nakipag-ugnayan din sila sa mga lokal na pamahalaan para masiguro ang maayos at payapang mga aktibidad.

Maraming lugar sa Metro Manila ang pagdarausan ng aktibidad para sa ika-155 anibersaryo ng kapanganakan n Bonifacio.

Sentro ng aktibidad ang Bonifacio Monumento sa Caloocan mamayang hapon kung saan magkakaroon ng wreath-laying ceremony na dapat sana ay si Pangulong Duterte ang mangunguna.

Gayunman, dahil kailangang bumiyahe ng pangulo pa-Mindanao ay si Executive Sec. Salvador Medialdea na lang ang kakatawan sa kaniya.

 

Read more...