Kasunod ng hinihinalang outbreak ng tigdas sa Sarangani, publiko hinimok na ‘wag matakot sa bakuna

File Photo

Kasunod ng hinihinalang outbreak ng sakit na tigdas sa Sarangani Province, umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag katakutan ang mga pagpapabakuna sa kanilang mga anak.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na ang mga dati nang bakuna na ginagamit sa mga bata ay subok nang epektibo para makaiwas sila sa mga nakamamatay na sakit.

Hindi aniya dapat ipagkait ang mga bakunang ito sa mga bata nang dahil lamang sa takot ng mga magulang sa naging kinahinatnan ng Dengvaxia Vaccine program.

Ani Duque, nasa 12 hanggang 13 mga sakit na nakamamatay ang mayroon namang available na bakuna para makaiwas ang mga batang dapuan nito.

Paliwanag ni Duque ang bakuna para sa mga sakit nakamamatay ay libreng ibinibigay sa mga health centers sa buong bansa kaya hindi ito dapat sayanin ng publiko.

Read more...