5 patay, 31 sugatan sa aksidente sa Hong Kong

Lima ang nasawi habang 31 ang nasugatan matapos magkabanggaan ang isang bus at taxi.

Naganap ang aksidente sa Tsing Yi island kung saan patungo sana ng airport ang bus.

Wasak na wasak ang likurang bahagi ng taxi habang nasira din ang harapan ng bus.

Isang lalaki at dalawang babae ang agad idineklarang patay sa pinangyarihan ng aksidente habang ang dalawang iba pa ay nasawi habang ginagamot sa ospital.

Batay sa ulat, mga manggagawa ng paliparan ang sakay ng bus.

Isa sa sakay ng bus ang nagsabi na masyadong mabilis ang takbo ng bus nang bumangga ito sa taxi na noon ay nakahinto lamang.

 

Read more...