WATCH: Iba’t ibang grupo nagsagawa ng kilos protesta sa Welcome Rotonda

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa bahagi ng Welcome Rotonda kasabay ng paggunita sa ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Kabilang sa mga lumahok sa pagkilos ang grupong SENTRO, Akbayan, at Partidong Manggagawa.

Sa kanilag protesta, hinimok nila ang mga Pinoy na gayahin si Bonifacio na nanindigan para sa bansa.

Anila ang Pilipinas ay isang bansa at hindi Republika ng China.

Isinisigaw din ng grupo na wakasan na “endo” sa bansa at “ipaglaban ang pagkakaroon ng maayos na “serbisyo at trabaho sa mga relokasyon”.

Tinatayang nasa 200 ang lumahok sa protesta.

Nagtungo din doon si Sen. Risa Hontiveros at nagsalita sa entablado.

Read more...