WATCH: Oplan Galugad isinagawa sa Manila City Jail

Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga otoridad sa Manila City Jail, Biyernes, Nov, 30 ng umaga.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Manila Police District (MPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Sr. Insp. Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng Manila City Jail, sorpresa ang ginawa nilang pag-galugad sa bilangguan.

Bahagi aniya ito ng kampanya ng PDEA para mapanatiling malinis sa mga ilegal na droga ang mga kulungan.

Tatlong dormitoryo sa Manila City Jail ang hinalughog kabilang ang Dormitory 3, 5 at 6 na mayroong tinatayang 1,800 na preso.

Noong nakaraang buwan nagsagawa din ng Oplan Galugad sa bilangguan kung saan may nakumpiskang P600,000 na cash na pondo umano ng Sputnik Gang.

Patuloy pa ang imbentaryo sa mga nasabat na kontrabando na kinabibilangan ng mga bawal na appliances, asarol, at iba pang matutulis na gamit.

Read more...