Dating Unang Ginang Imelda Marcos pinayagang maglagak ng piyansa habang dinidinig ang apela sa kaniyang kasong graft

Inquirer photo

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na makapaglagak ng piyansa habang dinidinig ang kaniyang apela sa kasong graft.

Sa pasya ng anti-graft court, inatasan si Marcos na magbayad ng P300,000 pinaysa na doble ng kaniyang kasalukuyang bail na P150,000.

Mangangahulugan ito na si Marcos ay malaya habang tiantalakay ng korte ang kaniyang apela.

Sinabi rin ng Sandiganbayan na maari niyang ihain ang kaniyang motion for reconsideration sa sandiganbayan o pwede ring dumeretso na sa Korte Suprema.

Binibigyan si Marcos ng 15-araw upang i-avail ang post conviction remedies sa ilalim ng Rules of Court.

Si Marcos ay nahatulang guilty sa pitong bilang ng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act dahil sa mga nilikha nitong Swiss Foundation noong siya ay gobernador pa ng Metro Manila.

Noon lamang Martes, naghain na ng notice of appeal si Marcos sa Sandiganbayan upang ipaalam na iaakyat nito sa Supreme Court and conviction sa kanyang kaso.

Read more...