Pag-detain kina Rep. Castro at dating Cong. Satur Ocampo kinondena ng grupo ng mga guro

Photo from ACT Education Students PNU

Kinondena ng grupong Alliance of Concerned Teachers – Education Students PNU ang anila ay ilegal na pag-detain at harassment sa
mga miyembro ng National Solidarity Mission (NSM).

Ang grupo na pinangungunahan nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at dating Bayan Muna Partylist Rep. Satur Ocampo ay pinigil sa himpilan ng pulisya sa Talaingod, Davao Del Norte

Ayon sa pahayag ng ACT – Education Students PNU, bago ang pag-detain kina Castro, Ocampo, at iba pang miyembro ng NSM ay tinapunan ng umano ng mga spike nail ang kalsadang daraanan ng kanilang sasakyan dahilan para ma-flat ang gulong ng dalawa sa mga limang vans na lulan ang grupo.

Tinapunan din umano ng mga bato ang van sakay sina Castro at Ocampo at pinaputukan ng bala.

Ang delegasyon ng NSM ay binubuo ng 74 na katao kabilang ang 29 na mag-aaral, 12 guro mula sa Lumad Schools.

Pinigil sila sa Talaingod Police Station mula alas 9:30 ng gabi ng November 28. MAtapos ito, 19 sa kanila ay dinala sa Hall of Justice ng Tagum City para sa inquest proceedings.

Inilunsad ang National Solidarity Mission dahil sa pwersahang pagpapasara sa Sitio Nasilaban at Dulyan campuses sa Salugpongan Ta Tanu Igkanugon Community Learning School.

Ang paramilitary group na Alamara umano at mga tauhan ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa likod ng pagpapasara.

Ayon sa ACT – Education Students PNU malinaw ito na ang presensya ng militar sa lugar ay banta sa mga residente doon lalo na sa mga guro at mga mag-aaral.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa agarang pagpapalaya kina Castro, Ocampo, iba pang education at human rights defenders, at mga miyembro ng NSM na nakakulong sa Talaingod Police Station.

 

Read more...