Utos ni Pangulong Duterte kay Espenido sa pamilya Parojinog hindi pagpatay ayon sa Malacañan

Nilinaw ng Palasyo ng Malacañan na tanging pag-aresto, pag-prosecute, at hindi agarang pagpatay ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Inspector Jovie Espenido sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Taliwas ito sa utos kagabi ni Pangulong Duterte kay Espinido na ubusin at burahin sa mundo ang pamilya Parojinog.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lumala na naman kasi ang sitwasyon ng iligal na droga sa Ozamiz kung kaya nagpasya ang pangulo na ibalik sa lugar si Espenido.

Pero ayon kay Panelo, sakaling manlaban ang pamilya Parojinog, walang magagawa ang mga awtoridad kung hindi ang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Read more...