Representative Napoleon Dy umatras sa pagtakbo bilang gobernador ng Isabela

Pormal nang umatras si Isabela Representative Napoleon Dy sa kanyang gubernatorial bid.

Kasama ang kanyang pamilya at mga taga-suporta, nagtungo si Dy sa Commission on Elections (COMELEC) provincial office sa Isabela upang bawiin ang kanyang pagkandidato bilang gobernador.

Paliwanag nito, mas importante para sa kanya ang kanyang pamilya kaysa sa pulitika.

Aniya, kailangan niyang isakripisyo ang kanyang ambisyon upang maayos ang gusot sa kanilang pamilya.

Ito’y matapos niyang akusahan ang kapatid na si incumbent Isabela Governor Faustino Dy III ng maling paggamit ng pondo ng lalawigan.

Dahil dito, nawalan ng running mate si Grace Padaca na tumatakbo naman bilang vice governor.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na reaksyon si Padaca tungkol sa naturang pasya ni Dy.

Read more...