7 pulis na sangkot sa kidnapping at robbery extortion sumuko sa NCRPO

Boluntaryong sumuko sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Taguig City ang pitong pulis-Las Piñas na inirereklamo ng kidnapping at robbery extortion.

Unang sumuko sa Regional Intelligence Office ng NCRPO si PO1 Erickson Rivera bago sinundan ng pagsuko nina PO3 Joel Lupig; PO2 Vener Guanlao; PO1 Jefferson Fulgencio, PO1 Jeffrey De Leon, PO2 Jason Arellano at PO1 Reymant Gomez na pawang nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Station 3 ng Las Piñas City Police.

Sumuko ang mga pulis kasama ang kanilang mga kamag-anak at abogado.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, dinis-armahan na mga ito habang isinasailalim sa imbestigasyon.

Ang mga nasabing pulis ay una nang kinasuhan ng kidnapping with serious illegal detention, robbery extortion, at grave misconduct base sa reklamo ng hinuli nitong ‘di umano’y drug suspect.

Nabatid na hiningan ng mga nasabing pulis ang nahuli nitong drug pusher ng P200,000 kapalit ng pagpapalaya dito.

Read more...