1.4 milyong pamilyang Filipino, nabiktima ng common crimes

Lumobo sa 6.1 percent o 1.4 milyong pamilyang Filipino ang nabiktima ng common crimes sa third quarter ng taon ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang datos na ito ay mas mataas ng 0.7 percent sa 5.3 percent o 1.2 milyong pamilyang Filipino na naitala noong June 2018.

Lumalabas sa naturang survey na isinagawa mula September 15 hanggang 23 na pumalo sa 5.6 percent o 1.3 milyong pamilya ang nabiktima ng property crimes na kinabibilangan ng street roberry o pandurukot, panloloob at carnapping.

Karamihan o 1.1 milyong pamilya ang nagsabing sila ay nabiktima ng street roberry na mas mataas sa 930,000 na naitala noong June 2018.

Tumaas din ang bilang ng mga pamilyang may mga miyembro na nakaranas ng physical violence sa 0.7 percent o 159,000 familes mula sa record-low na 0.2 percent o 45,000 noong Hunyo.

Samantala, kumaunti naman ang nagsabing sila ay natatakot na malooban ang kanilang tahanan sa 52 percent mula 55 percent noong Hunyo.

Napanatili naman ang bilang ng mga pamilya na nagsabing natatakot silang maglakad sa kalye sa gabi at marami ang adik sa droga sa kanilang mga lugar sa 46 at 41 percent.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face to face interviews sa 1,500 adults sa bansa.

Read more...