M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:18 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 78 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim itong isang kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Dahil nasa karagatan, wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...