6 patay sa pag-atake ng Taliban sa Afghanistan

AP

Inatake ng mga rebeldeng Taliban ang isang British security company sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa mga otorodad, anim ang nasawi sa pag-atake, kabilang ang isang British national.

Dagdag pa ni Charlie Burbridge, managing director ng G4S Risk Management Group, bukod sa mga nasawi, 32 mga empleyado ang nasugatan. Lima aniya sa mga ito ang nagtamo ng matinding pinsala.

Nabatid na isang suicide bomber sakay ng isang truck na kargado rin ng mga pampasabog ang bumangga sa gate ng compound.

Matapos nito ay nagkaroon ng palitan ng putok ang mga otoridad laban sa mga rebelde na armado ng mga automatic rifles at granada na lumusob din sa lugar.

Inako ng Taliban ang pag-atake at sinabing ganti nila ito sa isinagawang airstrike ng Estados Unidos sa southern Helmand province kung saan 30 ang nasawi, karamihan ay mga sibilyan.

Read more...