6 nag-withdraw sa pagtakbo bilang senador — COMELEC

Isinara na kahapon ng Comission on Elections (COMELEC) ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga hahalili sa mga nag-backout na kandidato sa May 2019 elections.

Ayon sa COMELEC, anim ang umatras sa pagtakbo bilang mga senador — ito ay sina Rosita Caringal Imperial ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) party, Emmanuel Antipolo Dadulla ng KDP party rin, Vivian Moreño ng Akbayan, Ernesto Ramel, Jr., ng Aksyon Demokratiko party, at Robel dela Cruz at Alan Maco na kapwa mga independent candidates.

Gayunman naghain ng COC si dating Biliran Representative Glenn Chong kapalit ni Imperial. Habang si Rodolfo Javellana, Jr. naman ang hahalili kay Dadulla.

Ayon sa COMELEC, simula ngayong araw ay hindi na sila tatanggap pa ng mga maghahain ng COC bilang substitute candidate.

Ngunit para sa mga kakandidatong mamamatay o madidiskwalipika sa final judgment ay maaaring palitan ng may kaparehong apelyido.

Read more...