M4.2 na lindol, naitala sa Davao Occidental

Isang magnitude 4.2 na lindol ang naitala sa bahagi ng Davao Occidental ala-1:05 ng madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 223 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 33 kilometro.

Tectonic ang dahilan nito at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Dahil nasa karagatan, wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.

Read more...