Imelda Marcos umatras sa kandidatura sa pagkagobernador ng Ilocos Norte

Matthew Marcos Manotoc

Ilang linggo matapos hatulang ‘guilty’ sa kasong graft, ay umatras si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos sa kandidatura sa pagkagobernador.

Hahalili sa dating Unang Ginang ang kanyang apo na si Matthew Marcos Manotoc.

Matatandaang kahapon, araw ng Huwebes ang huling araw ng substitution at withdrawal ng certificates of candidacy (COC).

Si Matthew na anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay nakatakda sanang tumakbo sa pagkabise gobernador.

Dahil sa desisyong humalili sa kanyang lola, makakalaban ni Matthew ang isa pang kongresista ng Ilocos Norte na si Congressman Rodolfo Fariñas.

Iginiit naman ni Matthew na walang kinalaman ang hatol ng korte sa pag-atras ng dating Unang Ginang sa kandidatura.

Hinatulan ng anim hanggang 11 taong kulong si Ginang Marcos para sa bawat bilang ng kasong graft dahil sa iligal na paglilipat ng pera sa Swiss foundations na sinasabing pinakinabangan ng kanilang pamilya.

Read more...