Si Carpio ay kapatid ng son-in-law ni Pangulong Duterte na si Atty. Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Samantala, nagtalaga na rin si Pangulong Duterte ng mga bagong board member sa Nayong Pilipino.
Ito ay sina Ruth Marie Isip Equipaje kapalit ni Alicia Manuel, Cesar De Guzman Aljama bilang kapalit ni Caroline Lansang.
Sina Manuel at Lansang ay kabilang sa mga sinibak ni Pang. Duterte dahil sa pagbibigay prangkisa sa Chinese casino operator ng pitumpu’t limang taon bagay na itinanggi ng Nayong Pilipino.
Itinalaga naman ng pangulo bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary for the Republic of Chile si Teresita Cruz Daza.