Atty. Aileen Lizada ng LTFRB itinalaga bilang commissioner ng Civil Service Commission

Inilipat ng pwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Aileen Lizada.

Itinalaga ng pangulo si Lizada bilang bagong commissioner ng Civil Service Commission (CSC).

November 9, 2018 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Lizada na inilabas sa publiko ng Malakanyang ngayong araw, Nov. 29.

Papalitan ni Lizada si Robert Martinez at maninilbihan siya hanggang sa Februray 2025.

Matatandaang kontra ang mga pananaw o pahayag ni Lizada sa mga desisyon ni LTFRB Chairman Martin Delgra.

May mga pagkakataon pa na sa desisyon ng LTFRB ay hindi nakapirma si Lizada dahil tutol siya sa nagiging pasya.

Read more...