CHR nagpasalamat sa mga tumulong para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Kian Delos Santos

Pinasalamatan ng Commission on Human Rights (CHR) ang lahat ng tumulong para maipagkaloob ang hustisya sa pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Delos Santos.

Sa pahayag sinabi ni CHR Commissioner Chito Gascon na kabilang sa malaki ang naiambag ay ang mga testigo, ang simbahan, human rights defenders, imbestigador at piskalya.

Masaya ang CHR sa hatol na guilty ng Caloocan court laban sa tatlong pulis.

Kasabay nito, umapela si Gascon sa pamahalaan na pag-ibayuhin ang mga hakbang para maibigay ang hustisya sa mga biktima ng extra-judicial killings.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng pagtitiyak na ang mga nasa likod ng pagpatay ay maaaresto at makakasuhan sa korte.

Read more...