Kaso ng pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos dedesisyunan na ng korte

Radyo Inquirer File Photo

Makalipas isang taon ilalabas na ngayong araw ng korte ang hatol laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Lloyd Delos Santos sa Caloocan City.

Kabilang sa mga hahatulan sina PO1 Jerwin Cruz, PO1 Jeremy Pereda at PO3 Arnel Oares.

Ngayong umaga ng Huwebes, Nov. 29 nakatakda ang promulgation of judgment sa kasong murder laban sa mga suspek sa sala ni Judge Rodolfo Azucena Jr. ng Caloocan RTC Branch 125.

Sina Cruz at Pereda ay kasalukuyang nakakulong sa Valenzuela City Jail habang sa Camp Bagong Diwa naman si Oarez.

August 16, 2017 nang mapatay si Kian sa kasagsagan ng operasyon ng pulisya matapos umano itong manlaban.

Read more...