Dalawang US destroyer naglayag sa Taiwan Strait

Dalawang barko ng US Navy ang naglayag sa Taiwan Strait na inaasahang hindi magugustuhan ng China.

Ayon kay Lieutenant Rachel McMarr, tagapagsalita ng US Pacific Fleet, ang destroyer USS Stockdale at oiler USNS Pecos ay naglayag sa Taiwan Strait bilang bahagi ng routine transit nito.

Sinabi ng opisyal na magpapatuloy ang paglalayag ng US Navy saanmang karagatan basta’t pinapayagan itosa ilalim ng international law.

Noong October 22, ipinrotesta ng Beijing ang paglalayag ng dalawang warship ng US Navy sa Taiwan Strait.

Naninindigan ang China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan.

Read more...