PUBLIC SERVICE: Scheduled water service interruption ng Maynilad ngayong araw, Nov. 29

Inquirer file photo

Dahil sa hindi magandang kalidad ng tubig na nagmumula sa Laguna lake, tuloy ang emergency water interruption ng Maynilad sa ilang mga lugar na sineserbisyunhan nito.

Sa abiso ng Maynilad, alas 6:00 ng umaga kanina (Nov. 29) hanggang alas 5:00 ng hapon ang water service interruption sa ilang mga barangay sa Las Pinas City, Muntinlupa, Paranaque at Bacoor City.

Apektado nito ang sumusunod na mga barangay:

LAS PINAS CITY:
– Almanza Uno
– Almanza Dos
– Pamplona Uno
– Pamplona Dos
– Pamplona Tres
– Pilar
– Pulanglupa Dos
– Talon Uno
– Talon Dos
– Talon Tres
– Talon Kuatro
– Talon Singko

MUNTINLUPA CITY:
– Alabang
– Ayala Alabang

PARANAQUE CITY
– BF Homes

BACOOR CITY:
– Molino II
– Molino III
– Molino VII
– Queens Row Central
– Queens Row East
– Queens Row West
– San Nicolas III

Paliwanag ng Maynilad, hindi maganda ang kalidad ng tubig galing Laguna Lake na pumapasok sa kanilang Putatan Water Treatment Plant.

Patuloy na minonitor ng Maynilad ang kalidad ng tubig na galing Laguna lake at nagsasagawa na ng system adjustments para matugunan ang limitadong suplay.

Read more...