Mga mayor na sangkot sa iligal na droga, ‘dead man walking’ — Pangulong Duterte

Dead man walking na ang turing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alkalde at barangay officials na sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil sa uubusin niya talaga ang mga lokal na opisyal na hindi pa rin titigil sa operasyon sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam at ipapatay ang mga mayor kahit na tumatae, naliligo, naglalakad, o kumakain.

Kasabay nito, binalaan din ng pangulo ang mga pulis na nasa iligal na droga.

Tumataas na aniya sa ranggong colonel hanggang inspector na ang napapatay dahil sila-sila na ang nagpapatayan.

Ayon sa pangulo, hindi niya palulusutin ang mga lokal na opisyal at mga pulis lalo na’t may natitira pa siyang tatlong taong panunungkulan sa puwesto.

Read more...