WATCH: PAGCOR nais mapaintindi sa publiko ang kanilang mandato

Hindi man nila maitatanggi, ngunit nakadikit na sa PAGCOR ang pagsusugal at malaki ang kanilang kinikita.

Sinabi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairperson Andrea Domingo na maaaring hindi alam ng publiko kung saan talaga napupunta ang kanilang ang kinikita.

Kaya’t inilunsad ng PAGCOR ang isang ad campaign para maipabatid ang kanilang naiambag sa pagtaguyod sa Pilipinas.

Ibinahagi pa ng opisyal na sa kanilang bagong ad campaign ay maipapabatid nila sa publiko ang kanilang social responsibility.

Tatagal ang kampaniya hanggang sa susunod na taon.

Read more...