Nadamay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa isyu ng pagkawala ng libo-libong trabaho dahil sa nauusong Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Paliwanag ni PAGCOR chairperson Andrea Domingo, sila ay regulating body lang at wala silang kinalaman sa pagdagsa ng mga banyaga sa bansa, partikular na ang mga Chinese nationals, para magtrabaho sa POGO.
Ayon kay Atty. Joey Tria, nangangasiwa para sa PAGCOR sa POGO, may 170 POGOs na silang naipasara.
Sinabi ni Tria na hindi ang pang-aagaw ng trabaho sa Pilipino ang isyu sa mga lehitimong POGO kundi ang maluwag na mga regulasyon sa bansa na nagiging daan para ang mga banyaga ay makapag-trabaho sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES