“Ngayon, bilang mo na lang ang mga totoong nagmamahal” — Ai Ai

Ai-Ai delas Alas

Na-ospital kamakailan ang Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas.

Sa kanyang recent Instagram posts ay ibinahagi ni Ai-Ai na ilang araw na siyang nasa ospital dahil sa sakit sa sikmura.

Ngunit kasabay ng kanyang pagpapasalamat sa kanyang doktor ay hindi naiwasan ng komedyante na patutsadahan ang kanyang mga ‘fake friends.’

Sa isa sa mga posts ni Ai-Ai, ikinwento nito na noong namamayagpag ang kanyang karera sa show business matapos pumatok sa masa ang “Tanging Ina,” kapag naoospital siya ay napakaraming nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.

Ngayon aniya, mabibilang na lamang ang mga totoong nagmamahal at nagpapadala sa kanya ng bulaklak.

Hirit pa nito, kapag naging blockbuster ang kanyang susunod na pelikulang “Sons and Feelinials,” ay tiyak na dadami na naman ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit paglilinaw ng Comedy Queen, hindi siya nagrereklamo, at isang realization lamang sa buhay artista ang kanyang ibinahagi.

Sa isa pang post ni Ai-Ai ay ipinakita nito ang bulaklak na ipinadala sa kanya ni Boy Abunda at ginamit nito ang #totoongnagmamahal.

Read more...