Lalaking bumibili lamang ng LRT ticket nalaglagan ng marijuana arestado!

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking bumibili lamang ng LRT ticket matapos itong mahulihan ng marijuana.

Nakilala ang suspek na si Christian Marcelino, 21 anyos, nagtatrabaho bilang aircraft cleaner at residente ng Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon, bumibili lamang si Marcelino ng ticket sa LRT Line 1 Libertad Station nang aksidenteng malaglag ang sachet ng hinihinalang marijuana mula sa kanyang bulsa.

Sinubukan pang tapakan ng suspek ang sachet para hindi mahalata pero hindi ito nakalampas sa mga nagbabantay na gwardya.

Inakala ng mga gwardya na dumura lamang ito pero nagulat nang madiskubreng marijuana ang tinapakan ng suspek.

Kasama pa ng suspek ang nakababatang kapatid nang maganap ang insidente.

Sa huli, umamin ang suspek na sa kanya ang marijuana ngunit hindi inamin kung saan niya ito nakuha.

Read more...