P400K droga nakuha sa operasyon ng pulis sa Pampanga

Narekober ng mga otoridad ang mahigit kalahagitng kilo ng marijuana, bukod pa sa 58 gramo ng shabu sa isang buy bust operation sa Mabalacat, Pampanga.

Naaresto rin sa operasyon ang pangunahing target na si Marcus Padlan, maging ang lima nitong mga kasabwat.

Tinatayang nagkakahala ng P69,000 ang narekober na marijuana, habang aabot naman sa P394,000 ang shabu. Sa kabuuan, aabot sa P463,000 ang presyo ng mga nakuhang iligal na droga.

Ayon kay Police Superintendent Rommel Batangan ng Mabalacat City Police, narekober mula kay Padlan ang isang baril na ninakaw mula sa isang pulis mula sa Angeles City.

Mahaharap ang anim na mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod dito ay kakasuhan din ng pagnanakaw si Padlan.

Read more...