Salungat ang opinyon ni Senate President Tito Sotto sa paniniwala ni House Speaker Gloria Arroyo ukol sa pagsasagawa ng dalawang kapulungan ng mga pagdinig.
Sinabi ni Sotto na napakahalagang bahagi ng trabaho sa Senado ang mga pag-iimbestiga ng mga komite.
Idinagdag nito na sa pamamagitan ng mga komite nagagampanan ng mga senador ang kanilang mga trabaho, ang bumalangkas ng mga panukala na magiging batas.
Ayon pa sa senador sa kanyang palagay ay mas mahalaga ang trabaho sa mga komite kumpara sa plenaryo.
Unang sinabi Arroyo ang hindi niya pagkagusto sa mga inihahaing resolusyon ng mga kapwa niya mambabatas na layong magsagawa ng ‘investigations in aid of legislation.’
Paniniwala nito nagagamit lang ang mga pagdinig para makapang-harass at hindi naman nagreresulta sa pagbalangkas ng mga panukala.