Ngayong araw, November 29 ang deadline ng Commission on Elections (COMELEC) para sa substitution ng kandidato para sa May 2019 midterm elections.
Ang substitution ay pwede para sa mga opisyal na kandidato ng political parties.
Kabilang sa mga papayagan ay ang mga nagwithdraw, nasawi o nadiskwalipika sa final judgment.
Itinakda ang deadline ngayong araw upang maisama pa ang pangalan ng substitute candidate sa official ballot.
Kahit lumampas naman sa deadline ngayong araw, ang mga kandidatong madidiskwalipika sa final judgment ay pwede pa ring palitan ng indibidwal na may kaparehong apelyido.
Target ng Comelec na mailabas ang final list ng mga kandidato ngayong Disyembre.
MOST READ
LATEST STORIES