Niyanig ng magnitde 3.4 na lindol ang bahagi ng Dinagat Island alas-2:52 kaninang madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 35 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Loreto.
May lalim ang pagyanig na 41 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.
Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES