Pangulong Duterte nagpaliwanag kung bakit hindi si Carpio ang itinalaga bilang bagong CJ

Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay Lucas Bersamin bilang bagong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman at hindi kay Associate Justice Antonio Carpio.

Sa talumpati ng pangulo sa groundbreaking ceremony ng Panguil Bay Bridge sa Tubod, Lanao del Norte, sinabi nito na nagsabi na kasi noon si Carpio na hindi siya tatanggap ng nominasyon sa pagka-Chief Justice.

Matatandaang nang mapatalsik sa puwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, tumanggi na si Carpio na mapasama sa listahan ng mga posibleng susunod na Punong Mahistrado.

Ayon sa pangulo, dahil sa pagtanggi ni Carpio noon, sinunod niya ang patakarang seniority kung kaya pinili niya naman si dating Chief Justice Teresita de Castro kahit na mahigit isang buwan lamang ang kanyang pananatili.

Kinuwestyun din ng pangulo ang paninindigan ni Carpio sa West Philippine Sea na taliwas sa kanyang mga diskarte.

Ayon sa pangulo, kung igigiit niya ang ruling ng Permanent Court of Arbitration at naipit ang tropa ng mga sundalo o pulis sa Palawan ay ano na raw ang mangyayari sa bansa.

Pinahagingan din ng pangulo ang pagiging salutatorian lamang ni Carpio sa kanyang ka-klase na si bagong Supreme Court Associate Justice Rosmari Carandang.

Read more...