Takot sa M.O number 32 mga kalaban lang ng gobyerno ayon sa DILG

Inquirer file photo

Iginiit ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na hindi magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide martial law.

Ito ay sa gitna pa rin ng mga pagdududa sa Memorandum Order no. 32 na inilabas ni Pangulong Duterte na nag-uutos na magdeploy ng mas maraming pulis at sundalo sa ilang lalawigan kasunod ng umano’y lawless violence.

Ayon kay Año, layon ng MO ng presidente na magkaroon ng presensya ng mga tropa ng gobyerno kung saan aktibo ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army o NPA.

Banat naman ni Año sa mga kritiko, ang mga natatakot lamang sa MO no. 32 ay mga kalaban ng pamahalaan na gusto raw pabagsakin ang demokrasya sa bansa.

Umaalma rin aniya ang mga komunista dahil batid ng mga ito na sila target na wasakin ng gobyerno, sa oras na maideploy na ang mga dagdag na pulis at sundalo.

Pinabulaanan naman ni Año ang mga alegasyon na ang MO ay magdudulot lamang ng mga pang-abuso.

Pagtitiyak nito, paiiralin pa rin ang karapatang pantao habang ipinatutupad ang MO no. 32.

Read more...