Rainbow’s Sunset approved ng LGBTQ community

Bumuhos ng luha sa press preview ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Rainbow’s Sunset, directed by Joel Lamangan.

Iisa ang reaksyon ng gay community—relatable. Approved na approved ito. Walang pekeng narinig sa dialogues. Authentic ang pagkaka-deliver ng bawat linya.

Tatlong bigating artista ang mga bida ng LGBTQ themed movie, sina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa.

Sinamahan pa nina Aiko Melendez, Sunshine Dizon, at Tirso Cruz III.

Malakas ang laban ng tatlong bida para sa Best Actor at Best Actress sa darating na MMFF Awards Night. Talagang pinahanga na naman ng beteranang aktres ang mga manonood dahil sa husay nya sa pagganap bilang asawa ni Eddie.

Pinaluha ng award-winning actress ang mga manonood. Walang kakupas-kupas ang kanyang pag-arte.

Sa mga entries sa MMFF, isa sa mga pinag-usapan ang pelikulang ito na produced by Heaven’s Best Entertainment dahil sa heartwarming na pagtalakay sa kwento ng lalaking sinamahan, dinamayan, at ipinaglaban ang kanyang kaibigang lalaki na may sakit na kanser at malapit nang mamatay. Hanggang sa kanilang pagtanda ay pinili ang pagmamahal na walang kapantay.

Ito ay sa screenplay ni Eric Ramos na ipinaliwanag sa pelikula ang pagkakaiba-iba ng uri ng pag-ibig sa mga miyembro ng LGBTQ.

Bukod sa mga bigating bida, mapapanood din sina Max Collins, Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes, Adrian Cabido, Neil Marie Dizon, Hero Bautista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta, Tabs Sumulong, Benz Sangalang, Ace Cafe, Celine Juan, and Albie Casiño.

Mapapanood ang Rainbow’s Sunset ngayong pasko, December 25 sa lahat ng sinehan.

Read more...