22 patay, mahigit 20 sugatan sa pagsabog at sunog sa chemical factory sa China

Nasa 22 katao ang kumpirmadong patay habang may 22 ang sugatan sa pagsabog na sinundan ng sunog sa isang
chemical factory sa hilagang China.

Naganap ang insidente pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Nangyari ang pagsabog malapit sa Hebei Shenghua Chemical Co. sa syudad ng Zhangjiakou na nasa 200 kilometro ang layo mula sa hilagang kanluran ng Beijing.

Nasunog din ang nasa 50 mga trucks at iba pang sasakyan.

Nagsagawa na ng on-site search and rescue sa pinangyarihan ng pagsabog.

Read more...