Kasunduan ng Pilipinas at China sa exploration sa West Philippine Sea iimbestigahan ng Kamara

Kuha ni Chona Yu

Nakatakdang ipatawag ng House Committee on Foreign Relations si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kaugnay sa pinasok na kasunduan ng bansa China may kinalaman sa West Philippine Sea exploration.

Ayon kay Quezon City Rep. Feliciano Belmonte, nais nilang masuri ang nilalaman ng pinasok na memorandum of understanding para sa gas at oil exploration.

Ayon kay Belmonte, nakatanggap na sila ng kopya na ipinadala ng tanggapan ng kalihim.

Kumukuha lamang anya sila ng timing kung kailangan ang gagawing pagdinig dahil sa schedule ng kalihim.

Paliwanag ni Belmonte, mahalaga na pag-aralan ang nilalaman ng kasunduan dahil nakasalalay dito ang interes ng bansa.

Hindi naman mag iimbita ang Kamara ng kinatawan ng China sapagkat ayon katly Belmonte hindi ang mga ito papayag na humarap sa Kamara.

Read more...