Nagbabala si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kaugnay ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang armed group na lalaban sa New People’s Army.
Sa isang panayam, tinawag ni Sison na “dangerous proposal” ang balakin na nagbibigay aniya ng kapangyarihan sa militar na patayin ang mga hinihinalang miyembro ng kilusang komunista o mga sparrow.
Nilinaw din ni Sison na matagal na walang umiiral na sparrow unit sa kilusan na nabuhay noong dekada ’70 at ‘80.
Tinawag pa ng CPP leader na imbento lang ni Pangulong Duterte ang nasabing grupo para bigyang katwiran ang sariling death squads.
Iginiit pa ni Sison na hindi nalalayo sa anti-drug campaign ng gobyerno na “Oplan Tokhang” ang nasabing plano kung saan maaari umanong iligpit ang mga pinaghihinalaang rebelde.