Lalaking kalalaya lang, balik-kulungan matapos maaresto sa buy-bust sa Quezon

Arestado ang isang lalaking kalalaya lamang mula sa pagkakabilanggo sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.Ang suspek na kinilalang si Reynaldo Olivera, 26 anyos ay nakalaya mula sa Pagbilao Jail noong Hulyo 2018 matapos mapanilbihan ang sentensya sa kasong may kinalaman sa illegal na droga.

Pero pagkatapos nitong lumaya sa kulungan, itinuloy ni Olivera ang ilegal na gawain.

Nadakip si Olivera ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Quezon sa Barangay 6 sa naturang lungsod.

Nakuha mula sa kaniyang ang 12 piraso ng maliliit na sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000.

Dahil dito sasampahan si Olivera ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 at ngayon ay muli nang nakakulong.

 

Read more...