Number coding suspendido sa Biyernes, Nov. 30

Suspendido ang pag-iral ng number coding sa Biyernes, November 30, 2018.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding sa nasabing petsa, Bonifacio Day.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ng Makati Traffic na sa suspendido rin ang pag-iral ng number coding sa lungsod sa Biyernes.

Otomatikong suspendido ang number coding sa buong Metro Manila kapag
regular holiday.

Long weekend ang paparating na weekend dahil ang Bonifacio Day ay natapat ng araw ng Biyernes.

Inuulan din ng tanong sa kanilang twitter account ang MMDA mula sa netizens kung hindi ba sususpindihin ang number coding sa Huwebes, bisperas ng holiday, pero wala pang tugon ang MMDA dito.

Read more...