ALAMIN: Mga diyosesis at paaralang lalahok sa #RedWednesdayPH

Credit: Aid to the Church in Need Philippines

Apatnapu’t dalawang mga Archdiocese, Dioceses, Prelature, Apostolic Vicariate at 34 na mga paaralan ang lalahok sa Red Wednesday Campaign ngayong araw.

Ang Red Wednesday Campaign ay isang worldwide activity na inilunsad ng Aid to the Church in Need (ACN).

Layon nitong itaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa nagaganap na pang-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

Iilawan ng kulay pula ang mga simbahan at paaralan bilang simbolo ng pakikiramay sa mga biktima ng Christian persecution.

Aid to the Church in Need Philippines

Kabilang sa mga lalahok sa aktibidad ay ang Manila Cathedral kung saan magkakaroon ng misa mamayang alas-6:30 ng gabi na susundan ng programa para sa pag-iilaw ng pula sa simbahan at pagdarasal para sa persecuted Christians.

Samantala, isang exhibit ng religious artifacts mula Aleppo, Syria, Iraq at Pilipinas ang magaganap simula mamaya sa main lobby ng University of Santo Tomas (UST).

Isa sa mga tampok sa nasabing exhibit ay ang ‘headless’ na imahen ng Birheng Maria na sinira ng Maute Terror Group sa Marawi City.

Read more...