Aabot sa mahigit 30,000 pisong halaga ng mga noche buena item ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Food and Drug Administration at National Capital Region Police Office sa Maynila.
Kabilang sa mga nakumpiska ay keso de bola, spaghetti sauce, keso, ketchup, margarine, at iba pa na ayon sa FDA ay pineke ang expiration date.
Nakumpiska ang mga produkto sa tatlong tindahan sa kahabaan ng Villalobos Street kanto ng Carlos Palanca sa Quiapo.
Sinabi ng FDA na malapit nang ma-expire ang nasabing mga produkto kaya pineke at nilagyan ang mga ito ng panibagong expiration date.
Dinala sa FDA main office ang mga nasabat na produkto para sa disposisyon.
READ NEXT
North Korean leader Kim Jong UN handang ipasailalim sa inspeksyon ng US ang kanilang nuclear site
MOST READ
LATEST STORIES