North Korean leader Kim Jong UN handang ipasailalim sa inspeksyon ng US ang kanilang nuclear site

AP Photo

Nakahanda si North Korean leader Kim Jong Un na ipasailalim sa inspeksyon ang kanilang nuclear site.

Sa ulat ng Yonhap News Agency ng South korea, isang senior diplomatic official ang nagsabi na kung nais ng pamahalaan ng Amerika ay payag si Kim na ipa-inspeksyon ang Yongbyon nuclear facilities.

Ito ay para mapatunayan ang ginagawa nilang pag-shutdown sa nuclear site.

Binanggit umano ito ni Kim kay South Korean President Moon Jae-in at si Moon naman ang nagpasa ng impormasyon kay US Pres. Donald Trump nang magkita sila sa United Nations General Assembly sa New York.

Ilang ulit nang sinabi ni Kim na handa silang ipasara ang kanilang nuclear site, gayunman, duda rito ang mga otoridad ng Amerika.

Read more...