LPA na dating bagyo, lalabas na ng PAR ngayong araw

Lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang low pressure area (LPA) na dating ang Bagyong Tomas

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA huling namataan ang LPA sa layong 1,335 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Posible ring matunaw ang sama ng panahon bago pa ito lumabas ng PAR.

Ngayong araw Amihan lamang ang weather system na umiiral sa malaking bahagi ng bansa.

Partikular na apektado ng Amihan ang Northern at Central Luzon.

Magiging maalinsangan ang panahon sa buong bansa maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, sa Disyembre, isa o dalawa pang bagyo ang posibleng pumasok sa PAR o hindi kaya mabuo sa loob na mismo ng bansa ayon sa PAGASA.

Sa mga darating na buwan ay posibleng maganap na rin ang transition patungong El Niño o weather phenomena kung saan mas tataas ang temperatura.

Read more...