Asahan na ang mas mabigat pang trapiko sa EDSA sa Disyembre.
Ito ang ibinabala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mula sa 19.3 kilometers per hour (kph) na usad ng mga kotse sa EDSA noong Agosto, ay bumagal sa 16 kilometers per hour ang usad ngayong Nobyembre.
Nasa 10,000 sasakyan ang pumapasok sa Metro Manila kada buwan ayon sa MMDA.
Posible pa umano itong lumaki pagpasok ng Disyembre.
Bukod sa paglobo ng mga sasakyan at mamimili sa mga malls para sa Christmas shopping, inaasahang makadaragdag din sa trapiko ang kaliwa’t kanang Christmas bazaar at Christmas parties.
Matatandaang nag-adjust na rin ng shopping hours ang mga mall sa EDSA para sa Christmas rush.