Metro Manila magkakaroon ng bagong bihis ayon sa MMDA

Inilatag na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang plano para mahanay ang Metro Manila bilang isa sa mga progresibong lugar sa East Asia.

Ayon sa MMDA, layon ng kanilang Regional Development Plan for the National Capital Region na masolusyonan ang kahirapan at magkaroon ng mga oportunidad sa pag-unlad sa Kalakhang Maynila hanggang 2022.

Bahagi ng plano ang libreng edukasyon at moderno at maasahang sistema ng transportasyon gayundin ang seguridad sa suplay ng tubig.

Sinabi ni MMDA Chairman Danny Lim, ang plano ay ayon sa Socioeconomic Agenda ni Pangulong Duterte na Ambisyon Natin 2024.

Ang Metro Manila, na may populasyon na 12.9 milyon, ang pang-14 sa pinakamalaking urban city at pang-18 sa pinakamalaking metropolitan area sa buong mundo.

Si Lim ang magiging pangunahing tagapagpatupad ng plano.

Read more...