Seat sale binuksan ng Cebu Pacific

Good news para sa mga mahilig mag-travel!

Hatinggabi ngayong araw nang buksan ng Cebu Pacific ang seat sale kung saan ang base fare para sa maraming mga biyahe ay nagkakahalaga lamang ng P99.

Ayon sa anunsyo ng Cebu Pacific, ang seat sale ay epektibo lamang ngayong araw ng Miyerkules, November 28.

Maaaring magamit ang mabibiling flight ticket mula January 1 hanggang March 31 sa susunod na taon.

Kabilang sa destinasyon ay mula Cebu papuntang Bacolod, Butuan, Cagayan de Oro, Calbayog, Camiguin, Davao, Dipolog, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Puerto Princesa, Siargao, at Zamboanga.

Mayroon ding Cebu hanggang Boracay, ngunit ang travel dates ay simula January 16.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Cebu Pacific na www.cebupacificair.com

Read more...