WATCH: Posibleng foul play sa napatay na pulis-Pasay tinitingnan ng mga otoridad

Mayroong posibilidad na aksidente o hindi kaya’y sinadyang binaril ng kapwa pulis ang isang pulis-Pasay na namatay sa engkwentro noong Lunes.

Batay kasi sa autopsy report, sa limang balang tumama kay Senior Inspector Manuel Taytayon, Jr., dalawa dito ay tumama sa kanyang likod.

Kaya naman inilapit na ng ama ng biktima sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso upang magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

Ayon pa sa ama ng pulis, kasama ng kanyang anak sa huli nitong operasyon ang isang kabaro na pinaghihinalaang sangkot din sa kalakaran ng iligal na droga.

Panawagan pa nito kay Philippine National Police (PNP) chief Directer General Oscar Albayalde, linisin ang kanilang hanay sa mga ganitong uri ng pulis.

Ayon naman kay Albayalde, ipinag-utos na niya sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na busisiin ang kaso.

Aalamin din ng mga otoridad kung nagkaroon ba ng pagkukulang sa pagpapatupad ng protocol sa operasyon.

Sa ngayon ay hawak na ng Pasay City Police ang walong kasamahang pulis ni Taytayon at kasabay nito ay nagsagawa na ng reenactment sa insidente ang mga otoridad.

Read more...