Pangulong Duterte iginiit na hindi siya magdedeklara ng nationwide martial law

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magdedeklara ng martial law sa buong bansa.

Ito ay sa kabila ng mga batikos sa kanyang Memorandum Order No. 32 na sinasabing panimula ng deklarasyon ng batas militar sa buong bansa.

Sa ilalim ng naturang M.O ay ipinag-utos ng pangulo ang karagdagang tropa ng gobyerno sa Negros, Samar at Bicol.

Sinabi ng pangulo na layon lamang ng kanyang kautusan na wakasan ang karahasan sa naturang mga lugar.

“I told you, I will not declare martial law,” he said. “I’m not going to declare martial law there’s enough powers for the Presidency na magamit ko well kung talagang widespread violence, then maybe,” ayon sa presidente.

Giit ng pangulo, gagawin niya ang lahat upang protektahan at pangalagaan ang bansa at ang mga mamamayan dahil ito ang kanyang mandato.

Samantala, inanunsyo rin ng presidente ang posibleng deployment ng isang buong dibisyon ng tropa sa Jolo, Sulu dahil sa nagaganap na karahasan doon.

Dismayado ang pangulo na maraming buhay ng mga sundalo at pulisya ang nawawala dahil sa karahasan sa Jolo.

Dahil dito, hindi na dapat magulat kung magpapadala siya ng isang buong dibisyon ng tropa sa lugar.

“Do not be surprised, but in Jolo I also express my dismay about the losses… There will be a division-size [deployment], talagang isang divsion ilagay ko not only a company, not only a battallion, not only a regiment, but I’m going to place there an entire division.”

Read more...